PHILHEALTH SENIOR VP FOR LEGAL SECTOR NAGBITIW SA GITNA NG ISYU NG KORAPSYON
Spread the news on:

Isa pang opisyal ng PhilHealth ang nagbitiw sa puwesto sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian sa ahensya.

Inihain ni Rodolfo del Rosario Jr., PhilHealth senior vice president for the legal sector, ang kanyang irrevocable resignation upang magbigay daan sa papalit sa kanya at para makahanap ng ibang trabaho.

Iginiit naman ni del Rosario sa isang panayam na malinis ang kanyang konsensiya.

Wala aniya siyang kinasasangkutang anumang anomalya at hindi siya nagnakaw kahit sinkong duling mula sa pamamahala sa PhilHealth.

Ipinaliwanag din ni del Rosario na kailangan niyang maghanap ng bagong trabaho dahil sa kanyang pinansiyal na obligasyon.

Aniya, hindi nila kaya na mawalan ng trabaho sa susunod na anim na buwan at hindi siya makapagta-trabaho kung konektado pa siya sa gobyerno kahit siya ay nasa ilalim ng preventive suspension.

Gaya ng dating kasamahan na si Augustus de Villa, na nagsilbi bilang vice president for operations ng PhilHealth, idinahilan din ni del Rosario ang kanyang kalusugan.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.