Spread the news on:

NATANGGAP na ng Malacañang ngayong Miyerkules ang resignation letter ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president and CEO Ricardo Morales, sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y mga katiwalian sa ahensya.

Kinumpirma ni Presidential spokesman Harry Roque na tinanggap ng Office of the President ang liham.

Una nang nag-medical leave si Morales upang sumailalim sa chemotherapy para sa lymphoma sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso at mga ahensya sa umano’y talamak na korapsyon sa Philhealth.

Pinagbitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte si Morales dahil sa medical condition nito, ayon sa Department of Justice.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.