Spread the news on:

INANUNSIYO ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpanaw ni Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz ngayong Miyerkules.

“Archbishop Emeritus Oscar Cruz of Lingayen-Dagupan died today at 6:45 a.m. at the Cardinal Santos Hospital due to a lingering illness,” saad ng CBCP News sa isang tweet.

Ang 85-anyos na si Cruz ay ang kauna-unahang Filipino rector sa San Carlos Seminary ng Archdiocese of Manila mula 1973 hanggang 1978 at nagsilbing auxiliary bishop of Manila mula 1976–1978 at arsobispo ng Archdiocese of San Fernando mula 1978–1988.

Itinalaga siya bilang Archbishop ng Lingayen-Dagupan noong July 15, 1991 at naging pinuno ng CBCP bago nagretiro noong 2009.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.