Spread the news on:

BILANG bahagi ng “new normal” sa larangan ng edukasyon sa gitna ng Covid-19 pandemic, nagtayo ang pamahalaang lungsod ng Pasig ng internet centers na may high-speed computer network access.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mayor Vico Sotto na maaring gamitin ng mga magulang na walang internet connection sa bahay ang internet centers para makapag-download ng distance learning modules para sa mga estudyante.

Kapag naging fully operational na aniya ay magbibigay ng schedule kada paaralan ang lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagsisiksikan sa centers at mapanatili ang physical distancing.

Sinabi ni Sotto na maari ring gamitin ng mga guro ang high-speed internet access para mag-upload ng learning modules para sa kanilang mga estudyante.

Una nang naglaan ang lokal na pamahalaan ng P1.2 bilyon para mabigyan ng tablets, laptops, at learning devices para sa mga mag-aaral sa elementarya at senior highschool at mga guro sa mga pampublikong paaralan na gagamitin nila habang ipinagbabawal pa ang face-to-face classes.

Inihayag ng alkalde na nasa post-qualification stage na ng bidding process ang learning devices na karamihan ay tablets.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.