Spread the news on:

INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa pang Filipino na nasa ibang bansa ang tinamaan ng Covid-19, kaya nasa 9,984 na ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nasa abroad na dinapuan ng naturang sakit.

Sa pinakahuling case bulletin, sinabi ng DFA na walang bagong nasawi at mayroong 26 na bagong gumaling na karamihan ay mula sa Asia and the Pacific at Middle East regions.

Umabot na sa 5,953 ang kabuuang bilang ng mga naka-rekober sa sakit habang nananatili sa 733 ang mga nasawi.

Samantala, nasa 3,298 na overseas Filipinos naman ang sumasailalim sa gamutan.

Tiniyak din ng DFA ang kanilang commitment sa pag-monitor sa sitwasyon ng mga Filipino na nasa ibayong dagat na naapektuhan ng pandemya.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.