Spread the news on:

DUMISTANSIYA ang Malacañang sa isinusulong ng pro-Duterte group na magtatag ng revolutionary government, kasabay ng pahayag na nakatutok ang administrasyon sa pagtugon sa Covid-19.

Nilinaw ni Presidential spokesman Harry Roque na ang panawagang magtatag ng revolutionary goverment ay mula sa isang pribadong grupo at hindi sa gobyerno.

Sinabi ni Roque na malaya ang mga organizer na ihayag sa publiko ang kanilang opinyon.

Binigyan diin din ng opisyal na masyadong abala ang pamahalaan sa paghahanap ng mga paraan upang mapagaan ang epekto ng lockdowns dulot ng health crisis.

Sinabi pa ni Roque na nangangailangan ng “full attention” ng pamahalaan ang pandemyang dulot ng Covid-19.

Noong Sabado ay nagtipon ang People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change sa Clark Freeport sa Pampanga para iprisinta ang resolusyon sa pagtatatag ng revolutionary government at sa pag-adopt ng bagong federal constitution.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.