Spread the news on:

Nasa 13 katao ang patay habang tatlong iba pa ang nasugatan sa stampede sa isang night club sa Lima, Peru nang tangkaing takasan ng mga partygoer ang police raid, ayon sa Peruvian National Police.

Sinalakay ng mga awtoridad ang Thomas Restobar sa Los Olivos district upang patigilin ang iligal na party na dinaluhan ng 120 katao.

Mahigpit na ipinatutupad ang social distancing sa Peru, ipinagbabawal din ang malalaking pagtitipon at may umiiral na nationwide 10 p.m. curfew upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus.

Sa official statement, sinabi ng Ministry of the Interior na hindi gumamit ang mga pulis ng anumang uri ng armas o tear gas upang paalisin ang mga tao sa lugar.

Nang magpulasan umano ang mga tao patungo sa ikalawang palapag ng club para takasan ang mga pulis ay naipit ang mga ito sa hagdan.

Sinimulan na ng mga awtoridad ang imbestigasyon para matukoy ang mga may-ari ng nightclub at mga responsable sa party.

23 naman ang naaresto sa police raid.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.