Spread the news on:

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Huwebes na humihirit ito ng P1.04 bilyon para sa paglalagay ng bike lane sa Metro Manila para i-promote ang alternatibong paraan ng pagbiyahe, lalo na sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary Mark Steven Pastor na manggagaling ang pondo mula sa Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) bill.

Aniya, ang “dedicated, protected” bike lanes ay matatagpuan sa outermost lanes ng circumferential, radial at major roads na may habang 644 kilometers.

Ang 1.2 hanggang1.5 na metrong bike lanes aniya ay lalagyan ng permanent barriers, sa halip na plastic.

Idinagdag pa ni Pastor na mas maganda ang active transport dahil mababawasan aniya ang mga sasakyan sa kalsada at mabuti ito sa kalusugan.

Target ng transportation department na maglagay ng temporary bike lanes sa susunod na linggo sa mga lugar na malapit sa malalaking ospital sa Maynila at Quezon City, bilang tugon sa kahilingan ng mga health worker.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.